Monday 25 July 2011

Mga Dinamikong Gawain




Ang buhay ng isang studyante ay sadyang Masaya ay mahirap kaya kailangan ang ibayong pagtitiyaga at bukas na isipan para sa mga bagong kaalaman. Mga magagandang Gawain ay mahalaga para sa magandang kinabukasan at marka. Alamin kung ano ang mga panuntunan na ipinapatupad ng paaralan para maging kabilang sa mga estudyanteng huwaran. Ugaling maging maagap sa lahat ng bagay gaya ng pagpasok at pagsumiti sa mga takdang aralan. Kung may mga aktibidad sa paaralan makilahok para mapataas ang antas ng magandang pakikitungo sa mga kapwa studyante. Maging maingat sa paggastos ng perang bigay ng magulang, gamitin ito sa wasto na kung saan ay makakatulong sa pag-aaral. Mga guro at opisyales ng paaralan ay dapat irespeto at igalang para sa matiwasay na pagsasamahan. Alagaan ang mga gamit at imprastruktura para makatulong sa pagtitipid sa mga gastusin ng paaralan. At higit sa lahat, magpasalamat sa poong maykapal sa patuloy ng pag-iingat at pagtulong sa tuwing tatahakin ang landas tungo minimithing tagumpay.

No comments:

Post a Comment